House probe sa power supply shortage, isinulong sa Kamara

Hiniling ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa kinauukulang komite sa Kamara na magsagawa ng investigation ukol sa kakulangan sa suplay ng kuryente.

Ang hirit na imbestigasyon ay nakapaloob sa House Resolution No. 966 na inihain ni Reyes.

Ang hakbang ni Reyes ay matapos maglabas ng pahayag ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Energy Regulatory Commission (ERC) ukol sa unplanned power interruptions na nakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon kamakailan gayundin sa Panay Island noong nakaraang buwan.


Matatandaan na unang sinabi ni Department of Energy (DOE) Undersecretary Rowena Guevara na natapos na ng NGCP ang Visayas-Mindanao interconnection project kung saan inaasahan na makatutulong ang Mindanao para sa pag-su-supply ng kuryente.

Subalit paggigiit ni Reyes, tila iba ang naging resulta dahil naging sunod-sunod ang malawakang brownout at ang ikinababahala niya ay epektado nito ang operasyon ng mga health facility, maging pribado man o pampublikong pagamutan.

Facebook Comments