House prosecution team, mapipilitang dumulog sa Supreme Court kung ibabasura ang impeachment case ni VP Duterte

Walang magagawa ang House Prosecution Team kundi dumulog sa Supreme Court sakaling magpasya ang Senate impeachment court na ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kahit hindi pa nagsasagawa ng paglilitis.

Paliwanag ni House Impeachment Spokesperson Atty. Antonio Audie Bucoy, hindi naman nila basta na lang tatanggapin kung agad na ibabasura ang impeachment ng wala pang trial.

Umaasa naman si Bucoy na hindi hahantong sa ganito ang sitwasyon.

Diin ni Bucoy, sa ngayon ay patuloy silang nananalig sa proseso ng impeachment at umaasang gagampanan ng mga senator-judge ang mandatong ibinigay sa kanila ng konstitusyon at ang sinumpaan nilang tungkulin na gawin kung ano ang tama.

Facebook Comments