House Quad Committee, hinikayat ng isang kongresista na irekomenda ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay FPRRD

Iminungkahi ni Batangas 2nd District Representative Gerville “Jinky Bitrics” Luistro sa House Quad Committee na irekomenda ang pagsasama ng kasong kriminal tulad ng crime against humanity at pagpatay laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Luistro, malinaw ang paglabag ng dating pangulo sa International Humanitarian Law at kasong pagpatay dahil sa libu-libong mga nasawi sa war on drugs campaign ng administrasyon nito.

Sabi ni Luistro, sa dami ng bilang ng mga pinatay ay malinaw na hindi dumaan sa legal na proseso ang mga naging aksyon ng mga awtoridad.


Iginiit ni Luistro na ang pagsasampa ng kasong kriminal ay batay rin sa pag-ako ni Duterte ng lahat ng legal at moral na pananagutan sa mga aksyon ng pulisya ugnay sa drug war.

Paliwanag ni Luistro, maaaring managot si Duterte bilang pangunahing akusado sa pamamagitan ng kanyang panghihikayat sa pagsasagawa ng mga sistematikong pag-atake laban sa mga sibilyan sa panahon ng kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments