Sang-ayon si La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V na kailangang magpatuloy ang House Quad Committee ngayong 20th Congress.
Ayon kay Ortega, marami pang hindi natapos na imbestigasyon ang Quad Comm at maraming mga bagong isyu ang kailangan nitong tugunan lalo na ang patungkol sa seguridad at karapatang pantao.
Sabi ni Ortega, pinakamainam na solusyon sa problema ay sa pamamagitan ng legislation tulad ng Quad Comm na maraming naihaing panukala na resulta ng mga ginawa nitong pagdinig.
Magugunitang sa 19th Congress ay umabot sa 15 ang mga pagdinig na naisagawa ng quad committee ukol sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ilegal na droga at extra-judicial killings sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.
Facebook Comments









