
Malinaw para kay House Quad Committee overall chairman at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na kaya patuloy na nagtatago si Atty. Harry Roque ay upang pigilan na tuluyang mabuking at mapatunayan ang umano’y pagkakasangkot niya sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay Barbers, walang political persecution kay Roque kaya walang batayan ang hinihingi nitong asylum sa The Netherlands.
Sabi ni Barbers, ang contempt at arrest order ng House of Representatives kay Roque ay dahil sa pagtanggi nitong isumite sa quad comm ang mga dokumento na maaaring mag-ugnay sa kaniya sa iligal na operasyon ng POGO.
Binanggit naman ni Barbers, na ang contempt at arrest order ng Kamara kay Roque ay mawawalan na rin ng bisa kapag nagsara ang 19th Congress sa June 30, 2025.