House Quad Committee, umaasang kwalipikado si PCol. Santie Mendoza para mapasailalim sa WPP

Ipinauubaya na ng House Quad Committee sa Department of Justice (DOJ) ang pag-aaral na mabuti kung maaring maisailalim sa witness protection program o WPP si PCol. Santie Mendoza.

Si Mendoza ang nagsiwalat sa hearing ng quad committee na inutusan umano sila ni NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo para paslangin si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary at retired General Wesley Barayuga noong July 2020.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Mendoza, binanggit ni Leonardo na ang deriktiba na patayin si Barayuga ay mula umano kay dating PCSO General Manager at retired Police Colonel Royina Garma.


Para kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na syang overall chairman ng Quad Committee mabigat ang testimonya ni Mendoza lalo’t wala itong sariling pakinabang sa kanyang mga ibinunyag.

Kumbinsido si Barbers sa rason ni Mendoza na ito ay nakokonsensya kaya isiniwalat nito ang nalalaman na ilang taong inilihim dahil sa takot para sa kaligtasan nya at ng kanyang pamilya.

Facebook Comments