Itinanggi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na humihingi ang Kamara ng karagdagang 1.6 Billion pesos para sa kanilang mga Deputy Speakers.
Ayon kay Cayetano, may mga sadyang hinahaluan ng pulitika ang pag-apruba ng 2020 National Budget.
Sa kabila nito, ipinagmalaki pa rin ni Cayetano ang mabilis na pagpasa sa 2020 National Budget sa mababang kapulungan.
Pero may mga gagawin pa silang Institutional Amendments tulad ng pagdadagdag ng pondo ng Department of Agriculture (da), maging ang Department of Education (DepEd) na kukunin mula sa hindi magagamit na pondo kapag naaprubahan ang postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ipinunto naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na malaking tulong sa ekonomiya kung magtutuloy-tuloy ang mabilis na pag-usad ng 2020 National Budget.