House Speaker Allan Peter Cayetano, hihintayin na lang ang desisyon ng pangulo sa ieendorsong kandidato sa pagka-pangulo

Ayaw pangunahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Pangulong Rodrigo Duterte sa gagawin nitong desisyon kung kanino siya makikipagtambal sa 2022 presidential elections.

Tugon ito ng dating House Speaker sa posibilidad ng Cayetano-Duterte tandem.

Kaugnay naman ito sa pahayag ni Duterte na bukas pa rin ito sa posibilidad na tumakbo ito sa pagka-bise presidente.


Aniya, lahat ng nangyayaring “guessing game” ay magtatapos din kaya hihintayin na lang niya kung irerekonsidera ng pangulo ang kaniyang desisyon.

Sa ngayon aniya ay mahirap pilitin ang presidente na magdesisyon lalo pa’t hinaharap nito ang mga hamon ng pandemya.

Dagdag ni Cayetano, hindi na ngayon uso ang pa-cute, pakipot o popular na kandidato dahil ang mga problemang kakaharapin ay pandaigdigan na.

Kanina, inilatag ni Cayetano ang kaniyang 5-year economic plan kung saan tututukan nito ang sustainable component ng pagharap sa pandemya.

Facebook Comments