House Speaker Alvarez, mariing itinangging away sa babae ang dahilan ng pagsasampa niya ng kaso laban kay Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr.

Manila, Philippines – Mariin namang itinanggi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na away sa babae ang ugat ng reklamong katiwaliang inihain niya laban kay Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr.

 

Ayon sa House Speaker – walang kinalaman sa kaso ang personal nilang hidwaan at malinaw sa batas na bawal magnegosyo ang isang opisyal ng pamahalaan.

 

Base aniya sa securities and exchange commission, stockholder ng Tadeco si Floirendo habang siya ay halal na kongresista.

 

Dito, kwestiyonable umano ang pagre-renew ni Floirendo ng kontrata para sa paggamit ng higit 5-libong ektaryang lupain para sa plantasyon ng saging dahil hindi ito dumaan sa public bidding.

 

Giit pa ni Alvarez, bagama’t pinakamalaking campaign fund contributor ni Pangulong Duterte noong eleksyon si Floirendo, hindi aniya nangangahulugan na mayroon siyang lisensya para nakawan ang bayan.



Facebook Comments