Manila, Philippines – Nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na bubuwagin ng Kongreso ang Court of Appeals dahil sa pangingialam nito matapos na ma-detain sa batasan ang anim na opisyal ng Ilocos Norte.
Kasunod ito ng umano’y maanomalyang pagbili ng tinaguriang ‘Ilocos 6’ ng mahigit 60-milyong pisong halaga ng mga sasakyan gamit ang tobacco funds.
Giit ni Alvarez, walang karapatan ang CA na mandohan ang Kongreso lalo’t kinikilala ng Supreme Court ang karapatan nitong magpa-cite in contempt ng isang testigo na hindi nagsasabi ng totoo.
Nagbabala rin si Alvarez ng disbarment case laban sa tatlo nitong justices na sina Associate Justices Stephen Cruz, Edwin Sorongon at Nina Antonino-Valenzuela dahil sa ignorance of the law.
Wala pang pahayag ang CA ukol rito pero sinasabing nagkakasa na ito ng kasong contempt laban kay Alvarez.