
Kinakaawaan ngayon ni Senator Imee Marcos ang pagkakahalal kay Isabela Congressman Faustino “Bojie” Dy III bilang bagong House Speaker.
Ayon kay Sen. Marcos, kawawa naman si Bojie dahil ang hirap ng lugar nito na tinawag pa niyang “worst job in the world”.
Mula pagkabata aniya ay magkakilala na sila ni Dy at magkasama na sila sa kabataang barangay.
Sinabi pa ni Sen. Imee na isang magaling na public servant si Dy iyon lamang ay may depekto ito at ito ay ang sobrang kabaitan kaya posibleng maabuso.
Maging si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay mabuting tao rin ang pagkakakilala kay Dy.
Sa kabilang banda ay may patutsada si Dela Rosa sa pagbibitiw ni Leyte Cong. Martin Romualdez bilang Speaker at kung ang kahulugan ba nito ay guilty siya sa mga problema ng flood control projects.









