Binisita ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga dayuhang delegasyon na nakaranas ng aberya sa Transportation at Hotel Accomodation pagdating nila sa Pilipinas bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games.
Si Cayetano ay Chairperson ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
Sa Official Facebook Page ng 2019 Sea Games, humingi ng paumanhin si Cayetano sa mga team ng Timor Leste, Cambodia, Myanmar, Singapore, at Brunei.
Tiniyak ni Cayetano na magiging makabuluhan at maayos ang pagho-host ng Pilipinas.
Ang Opening Ceremony ay magsisimula ngayong Sabado, November 30.
Facebook Comments