House Speaker Cayetano, dumipensa sa pamimigay ng higit ₱100,000 na bonus sa mga empleyado ng Kamara

Dumipensa si House Speaker Alan Peter Cayetano sa pamimigay ng higit 100,000 Pesos na bonus sa mga empleyado ng Kamara.

Ayon kay Cayetano, tiningnan lamang niya ang ibinigay na bonus sa ilalim ng nagdaang liderato ng Kamara.

Giit pa niya, hindi niya ito maaaring i-atras o bawasan pa.


Naniniwala rin ang mambabatas na dapat ganito rin dapat ang ibinibigay na bonus sa lahat ng empleyado ng gobyerno.

Facebook Comments