House Speaker Dy, hindi totoong papalitan ni Rep. Ronnie Puno

Mariing itinanggi ni House Deputy Speaker Ronaldo “Ronnie” Puno na papalitan na nya si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang kasalukuyang House Speaker.

Tugon ito ni Puno makaraang kumalat sa social media ang impormasyon na magkakaroon muli ng pagbabago sa liderato ng Kamara ngayong 20th congress.

Diin ni Puno, nananatili ang suporta nya kay Speaker Dy at sa pamamahala nito sa Kamara.

Si Dy ay nito lamang Setyembre iniluklok bilang pinuno ng Kamara ng bumaba si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez bilang dating House Speaker sa gitna ng mainit na isyu ng maanomalyang flood control projects at insertions sa National Budget.

Facebook Comments