
Isinapubliko ngayon ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang kopya ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ang hakbang ni Dy ay bilang pagtupad sa kaniyang pangako na gawing bukas sa publiko ang kaniyang yaman bilang isang lingkod-bayan.
Batay sa dokumento ay umaabot sa ₱121.1 million ang kabuuang asset ni Dy na binubuo ng mga agricultural land, sasakyan, investment shares at ilan pang personal na ari-arian.
Nagdeklara naman si Dy ng mahigit ₱47 million na liabilities kaya ang kaniyang networth ay nasa mahigit ₱74 million.
Bukod kay Dy ay nauna nang nagsapubliko ng kanilang mga SALN sina Representatives Chel Diokno, Perci Cendaña, Dadah Ismula, Arlene “Kaka” Bag-ao, Antonio Tinio, Sarah Elago, Renee Co at Kiko Barzaga.









