
Cauayan City – Itinanggi ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga ulat na umano’y may palihim na pagdaragdag ng pondo o probisyon sa 2026 DPWH budget sa gitna ng bicameral conference committee (BICAM) deliberations.
Binigyang-diin ni Dy na lahat ng nilalaman ng House version ng budget ay dumaan sa tamang proseso at naaprubahan ng House of Representatives bago pa man magsimula ang BICAM.
Aniya, ang BICAM ay limitado lamang sa pag-reconcile ng bersyon ng Senado at Kamara, at hindi para magpasok ng bagong pondo o probisyon.
Inihayag din ni Dy ang kanyang paninindigan sa transparency at maayos na proseso ng paggawa ng budget, na layong pagsilbihan ang publiko at hindi ang anumang pansariling interes o politikal na layunin.
Source: House of the Representative









