HOUSE SPEAKER | Kamara, muling nagkaroon ng tensyon kasabay ng pag-apruba ng resolusyong kumikilala kay CGMA

Manila, Philippines – Nauwi sa tensyon ang pag-apruba kahapon sa House Resolution No. 2025 na kumikilala kay Cong. Gloria Arroyo bilang bagong lider ng house of representatives.

Kinuwestiyon kasi ni Cong. Rodolfo Fariñas ang hindi pagdaan sa rules committee ng resolusyon kung saan siya ang tumatayong chairman.

Pero sa pagtalakay ng plenaryo, sinabi Deputy Speaker Rolando Andaya na may bago nang majority leader.


Kanina, itinalaga bilang interim majority floor leader si Cong. Fredenil Castro.

Nauwi pa sa sigawan ang plenary session nang subukang mag-object ni Act-Teachers Representative Antonio Tinio.

Kasabay ng pagpapalit ng liderato, pinag-aagawan naman ngayon kung sino ang tatayong minorya.

Sa ilalim kasi ng house rules, ang kongresistang bumoto para sa nanalong house speaker ay mapapabilang nasa mayorya.

Facebook Comments