House speaker, mapapalitan na bukas —Rep. Barzaga

Inihayag ni Cavite 4th District Representative Francisco “Kiko” Barzaga na bukas, September 17, ay may bago ng House speaker.

Sa kaniyang official Facebook page ay ipinost ni Congressman Barzaga na good news ito pero bad news daw na ang papalit ay Marcos loyalist din.

Kapansin-pansin naman na umabot lamang ng ilang minuto ang plenary session ngayon araw matapos isulong ni Rep. Zia Alonto Adiong na agad itong isuspinde at itutuloy uli bukas alas-3:00 ng hapon.

Base sa mga impormasyon na kumalat sa Kamara ay magbibitiw daw si Romualdez bilang kanilang lider at ipapalit sa kanya si Isabela 6th District Rep. Faustino “Bodjie” Dy III.

Lahat ng ‘yan ay aabangan kung may mangyayari sa mga susunod na session sa House of Representative.

Facebook Comments