House Speaker Pantaleon Alvarez, isinususlong ang panukalang dissolution of marriage

Manila, Philippines – Naghain ng panukala si House Speaker Pantaleon Alvarez para sa ‘dissolution of marriage’.

Ayon kay Alvarez, mas mabilis ito kaysa sa annulment dahil kailangan lang ng consent ng dalawang partido para mapawalang-bisa ang kasal.
Sakop ng panukala ang agreement sa kustodiya ng anak at hatian ng ari-arian.
Pero paglilinaw ni Alvarez – iba ito sa divorce bill kundi pagkakasundo lamang ng mag-asawa.

Una nang sinabi ng mambabatas na hindi siya sang-ayon sa diborsyo.


tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments