Manila, Philippines – Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na huwag bigyan ng budget ang Commission on Human Rights (CHR).
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Alvarez na ‘zero budget’ ang ibibigay nito sa CHR.
Posible rin aniyang ma-impeach si CHR Chairman Chito Gascon.
Inusisa ni Alvarez si Gascon kung bakit tahimik sila kapag mayroong namamasaker o nabibiktima ng rape.
Pero maingay naman aniya sila kapag mayroong extrajudicial killings.
Natanong din si Gascon sa pagbisita nito kay Senadora Leila de Lima na nakakulong sa PNP Custodial Center.
Aminado naman si Gascon na may pagkukulang siya pero ginagawa naman nito ang kanyang makakaya.
Halos 650 million peso ang hinihinging pondo ng CHR para sa susunod na taon kung saan maliit ito kumpara sa ibang constitutional commission.