House Speaker Pantaleon Alvarez, planong buwagin ang Court of Appeals

Manila, Philippines – Plano ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pag- aralan ng husto kung napapanahon na bang buwagin ang Court of Appeals upang mapabilis ang mga kasong idinudulog sa korte.

Sa ginanap na Conference on Judicial Institution Building and Reforms sa New World Manila Bay Hotel sinabi ni Alvarez na para mapalibilis ang mga asunto ang kanyang proposal ay palakasin ang Munisipal Trial Court at Regional Trial Court at damihan ang mga husgado sa naturang mga korte base sa bilang ng kanilang popilasyon upang huwag nang iakyat pa sa Court of Appeals at Supreme Court ang kanilang mga kaso.

Paliwanag ni Alvarez napakahaba ang proseso sa mga apela kaya hindi nakukuha ang hustisya at kung minsan pumanaw na ang mga nagrereklamo ay hindi pa rin natatapos at nabibigyan ng hustisya ang kanilang mga reklamo.


Iminungkahi rin nito na bumuo ng Special Court na siyang tututok sa mga kontrobersya na kaso at dapat magkaroon din ng Marathon hearing para mapabilis ang kanila kaso.

Facebook Comments