House Speaker Pantaleon Alvarez, reservist na rin ng Philippine Marines

Taguig City – Ganap ng reservist ng Philippine marines si House Speaker Pantaleon Alvarez matapos ang isinagawang pinning of ranks kaninang umaga sa Philippine marines headquarters sa Taguig City.

Si Alvarez ay may ranggong Lt. Col. bilang reservist ng Philippine marines.

Maliban dito naging guest of speaker na rin si Alvarez sa isinagawang induction ceremony ng mga bagong miyembro ng Philippine Marine Corps Board of Advisers kanina.


Ayon kay 1Lt. Maria Rowena Dalmacio, ang director ng marine corps public affairs office, napakaswerte ng hanay ng Philippine Marines dahil boluntaryong sumama sa kanilang hanay si Alvarez.

Umaasa sila ngayon na makakatulong is Alvarez sa modernization program ng Philippine Marines lalo pagdating sa kanilang mga kagamitang pandigma.

Una nang naging reservist ng ng Philippine Navy si Alvarez noong pang taong 1999.


Facebook Comments