House Speaker Pantaleon Alvarez, tiwalang dederetso sa Senado ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Kumpiyansa si House Speaker Pantaleon Alvarez na dederetso sa Senado ang na tatayong impeachment court para sa mga inihaing impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ayon kay Alvarez, bubusisiin nilang maigi ng house justice committee ang mga impeachment complaint laban kay Sereno para hindi na maulit ang mga nangyari noon kay dating Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Alvarez, nasa kanilang pag-iingat ang mga certified copies ng mga dokumento laban kay Sereno.


Mabibigay aniya ng bigat sa reklamo ang mga tetestigong mahistrado.

Nabatid na ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang unang naghain ng impeachment complaint laban sa punong mahistrado dahil sa pag-bypass nito sa en banc.

Ang ikalawang complaint naman ay galing kay Atty. Larry Gadon kung saan inirereklamo nito ang umano’y sobra-sobrang pagbili ng toyota land cruiser na nagkakahalaga ng higit limang milyong piso.

Facebook Comments