House Speaker Romualdez: Decriminalization ng libel at abortion, pag-aaralan ng Kamara

Bukas ang Kamara na muling pag-aralan ang klasipikasyon ng mga krimen sa bansa.

Ito ang pahayag ni House Speaker Martin Romualdez sa National Decongestion Summit patungkol sa decriminalization ng ilang krimen.

Ayon kay House Speaker Romualdez, kabilang dito ang pagkonsidera sa rekomendasyon na i-decriminalize ang libel at abortion.


Matagal na panahon na ang classification ng Revised Penal Code, kaya nangangailangan na itong baguhin upang maging patas ang parusa sa mga krimen.

Pag-aaralan din ng Kamara ang pagkakaroon ng hiwalay na Department of Corrections and Penology para mas maging maayos ang pangangasiwa sa mga kulungan.

Tiniyak ni Speaker Romualdez na pag-aaralang mabuti ng Kamara ang pagtatatag ng Unified Penology System sa ilalim ng isang departmento.

Facebook Comments