Hinamon ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Vice President Sara Duterte na humarap sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa pondo ng kanyang opisina kung hindi nito nagugustuhan na natatanong ang kanyang mga tauhan tungkol sa mga gastos sa confidential fund (CF).
Sa isang panayam sa sideline ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa lalawigan ng Albay, tinanong si Romualdez tungkol sa pahayag kamakailan ni Duterte na ang pinakamalaking hamon para sa kanya ngayon ay makita ang mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na nakakaladkad sa mga pagtatangka na i-persecute siya.
Ang komento ni Speaker Romualdez ay sumasalamin sa matinding pagkadismaya ng mga mambabatas sa di pagsipot ni Duterte at sa kawalan ng direct knowledge ng mga ipinapadala niyang kinatawan.
Paulit-ulit ang panawagan sa kanya ng mga kongresista na tanggapin ang buong pananagutan at magbigay ng malinaw na paliwanag kung paano ginamit ang P612.5 milyon na confidential fund.
Humarap sa 6th hearing si OVP Undersecretary at Chief of Staff Zuleika Lopez.
Pero, dahil sa kanyang pag-iwas na sagutin ang mga tanong ng mga kongresista, humantong ito para sa i-cite siya for contempt.