House Speaker Romualdez, nagpaabot ng taos pusong pagbati ng mapayapa, masagana at puno ng pag-asang 2025 sa mga Pinoy

Maraming tagumpay pero marami ring pagsubok.

Ito ang naging laman ng mensahe ni House Speaker Martin Romualdez sa pagpasok ng 2025.

Una ay pinaabot ni Romualdez ang kanyang pagbati ng mapayapa, masagana at puno ng pag-asang bagong taon sa bawat pamilyang Pilipino.


Aniya, ang bagong taon ay simbolo ng bagong simula at pagkakataon para magtulungan muli at magtatag ng mas matibay na kinabukasan para sa ating bayan.

Dagdag ng House Speaker, ang taong 2024 ay nag-iwan ng maraming alaala para sa ating bansa.

Maraming nakamit na tagumpay pero ito rin ang naging taon ng matinding hapon dahil sa sunod-sunod na bagyo, pagbaha at iba pang kalamidad na tumama sa bansa.

Nagdulot aniya ito ng hirap at pagsubok sa ating mga kababayan.

Sa kabila nito, muli namang ipinakita ng mga Pinoy ang diwa ng bayanihan na lalong nagpatibay sa pagkakaisa ng bansa.

Hiniling naman ni Romualdez sa lahat na manatiling nagkakaisa para maresolba ang mga kahaharaping hamon ngayong taon.

Facebook Comments