HOUSE TO HOUSE APPLICATION PARA SA LIBRENG IRIGASYON IPINATUTUPAD NG NIA REGION 1

Nagpapatupad ng house to house application para sa libreng irigasyon ang pamunuan ng NIA Region 1.
Ayon kay Engr. Gaudencio De Vera, ang Nia region 1 manager, matagal na itong aprubado ng national government, at ang pangunahing layunin nito ay maaabot ang mga magsasaka sa bawat rehiyon ng libreng irigasyon.

Ang kanilang pamunuan ay nag-uumpisa ng magbahay bahay dahil papalapit nanaman ang tag-init na kung saan maraming magsasaka ang mangangailangan ng patubig.

Samantala, tinitiyak ng ahensya na sa kabila ng pandemya ay patuloy ang serbisyo ng NIA. | ifmnews


Facebook Comments