House-to-house COVID-19 mass testing, dapat nang ikasa

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na gawin ng house-to-house ang COVID-19 mass testing lalo na sa mga komunidad na masikip na masikip at hirap talagang magsagawa ng physical distancing.

Diin ni Hontiveros, mahalaga na maging pro-active at huwag lang maghintay sa kung sino ang lalapit sa Local Government Units o pupunta sa clinic o ospital para magpa-test.

Bukod dito, ay sinabi ni Hontiveros na kailangan ding maging pro-active sa contact tracing upang agad matukoy ang mga nakasalamuha ng mga COVID-19 positive para agad silang maipa-test at maibukod.


Paliwanag ni Hontiveros, ang nabanggit na mga hakbang, kasama ang pagbabakuna ay kailangang gawin para mapigilan na lalo pang tumaas ang COVID-19 cases sa bansa.

Facebook Comments