House to house distribution ng food packs, isinagawa ng Manila City government

Nagsimula ng mamahagi sa mga barangay ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng mga food packs mula sa Department of Social Welfare and Develolment o DSWD-NCR.

Target ng rasyong pagkain ang mga pamilyang Manileño na apektado ng ‘enhanced community quarantine’ dahil sa outbreak ng Coronavirus disease (COVID-19).

Pinangunahan ito ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, sa tulong ng mga opisyales sa Barangay 362, 497 at 585.


Ayon kay Mayor Isko, patuloy ang kanilang gagawing pamamahagi ng food packs sa mga iba pang mga barangay sa lungsod.

Kasabay nito ay mahigpit na pinaalalahanan ni Mayor Isko ang lahat na manatili sa loob ng bahay, panatilihin ang kalinisan sa sarili at sa tahanan.

Facebook Comments