House-to-house ng mga pulis para kunin ang COVID- 19 positive, maaring maghatid ng takot sa publiko

Parang tokhang pero pang-COVID.

Ito ang reaksyon ni Senator Risa Hontiveros sa planong pagbabahay-bahay ng mga pulis para kunin ang mga COVID-19 positive at dalhin sa mga quarantine facility.

Babala ni Hontiveros, posibleng maghatid ito ng takot sa publiko at maging dahilan para hindi nila ireport sa mga kinauukulan ang estado ng kanilang kalusugan kaugnay sa COVID-19.


Diin ni Hontiveros, mas mainam na pagbutihin ang home and community-based healthcare.

Iginiit ni Hontiveros na sa halip na mga pulis, ay mas kinakailangan ang mga doktor at health workers sa barangay at mga kabahayan.

Facebook Comments