House-to-house profiling ng mga senior citizen at PWDs kaugnay sa COVID-19 response, magpapatuloy ngayong araw

Sinimulan na ngayong araw ang pagbabahay-bahay sa Barangay Pinagbuhatan para sa pag-update ng masterlist at Pasig Health Monitor ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, isa ito sa mga inisyatibo ng pamahalaang lungsod kaugnay sa COVID-19 response na papangunahan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) at Person with Disabilities Affairs Office (PDAO).

Paalala niya sa mga residente ng nasabing barangay na may mga senior citizen at PWDs na siguraduhing kumpleto at tama ang isasagot sa mga hinihinging detalye sa house-to-house profiling form.


Lalong-lalo na aniya ang kanilang contact number sa Pasig Health Monitor.

Para naman sa mga nais magpabakuna laban sa COVID-19, maaari ring sagutan ang online profiling form na ayon sa priority group na kinabibilangan tulad ng senior citizens, adult with comorbidities, at PWD.

Makikita anya sa official Facebook account ng lungsod ang link ng online registration para sa kanilang COVID-19 vaccine program.

Facebook Comments