House-to-house vaccination, epektibo para mabakunahan ang mga dapat mabigyan ng booster shot kontra COVID-19

Epektibo ang ginagawang house-to-house vaccination para matiyak na mababakunahan ang lahat ng mga Pilipinong dapat mabigyan ng booster shot laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa kaugnay sa house-to-house vaccination ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Herbosa, nagiging double purpose ang house-to-house na pagbabakuna dahil nabibigyan na rin ng COVID-19 vaccine ang mga hindi pa nababakunahan, lalo na yung mga may sakit na hindi na makaalis ng bahay.


Aniya, malaking bagay ang house-to-house vaccination dahil nabibigyan ang lahat ng mga dapat makatanggap ng proteksiyon laban sa virus.

Sa ngayon, sinabi ni Herbosa na mayroon ng 68.3 milyong Pilipino ang nakatanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments