House-to-house vaccination program, muling ipinagpatuloy na Las Piñas LGU

Muling ipinagpatuloy ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang kanilang house-to-house vaccination program.

Ito’y kahit pa mayroon ng mga itinatalagang fixed-posts o bakunahan sa mga barangay kada araw.

Isinasagawaang pagbabahay-bahay sa mga iba’t ibang barangay sa lungsod kung saan sinusuyod ng mga vaccination team ng City Health Office ang mga residente upang makapagbakuna ng first dose.


Bukod dito, maaari rin tumanggap ng booster ang bawat residente sa mismong mga tahanan nila upang maging ligtas sa COVID-19.

Nabatid na inilapit ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang bakuna sa mga residente sa lungsod upang hindi na sila mahirapan kung sakaling malayo ang lokasyon ng kanilang mga tahanan sa mga vaccination sites.

Bukod pa rito, namamahagi rin ng libreng Vitamin C at paracetamol ang Las Piñas LGU para sa mga residenteng nagpabakuna sa kanilang mga bahay.

Facebook Comments