Inirekomenda ni Marikina Representative Stella Quimbo ang pagpapatupad ng “household lockdown” sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases na sinabayan pa ng extension o pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Giit ni Quimbo, “useless” o walang silbi ang panibagong extension ng ECQ kung hindi naman babaguhin ang mga kasalukuyang polisiya ng Department of Health (DOH) para kontrolin ang pagkalat ng COVID-19.
“Extending the ECQ will be useless unless DOH revises its approach to COVID control. Current policies are clearly not working,” ani Quimbo.
Sa tingin ni Quimbo, ang kailangan ngayon ay “household lockdown” kung saan ang isang bahay lamang na may positibo sa COVID-19 ang isasara.
“A more localized lockdown needs to be implemented at the smallest possible unit – the household. Ang kelangan sa ngayon ay ‘household lockdown’,” sabi ni Quimbo.
“The rest of the household members should be presumed COVID-positive – no need to wait for tests to be done. All members of the household must refrain from going to work or leaving the house. All basic needs must be brought to them by the barangay,” dagdag pa ng mambabatas.
Aniya, ang iba pang kasamahan sa bahay ng COVID-19 patient ay agad na ipagpapalagay na positibo rin sa sakit para maiwasan ang paglabas ng mga ito sa bahay o pagpasok sa trabaho.
Ang lahat naman ng pangangailangan ng pamilya na nasa “household lockdown” ay ibibigay ng local government at barangay.
“Keeping the lockdowns as localized as possible, down to the household level, will ensure that the needed health care and economic assistance including ayuda are sufficiently provided for and at the same time economic activity outside the affected households can continue,” sabi pa ni Quimbo.
Paliwanag ng mambabatas, ang pagiging localized ng lockdown hanggang sa pinakamaliit na unit tulad ng mga households ay makatitiyak na ang mga kinakailangang health care at economic assistance tulad ng ayuda ay agad na maibibigay sa pamilyang apektado habang ang mga nasa labas ng bahay ay hindi apektado ng pagsasara at tuluy-tuloy pa rin ang economic activity ng bansa.