Household member ng mga senior citizen, pinag-aaralang maisama sa vaccine priority list

Posibleng maisama sa priority sector ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno ang mga kasama sa bahay ng senior citizen.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, binubuo na nila ang guidelines para sa “A2 plus one” policy.

Sa ilalim nito, ang household member na kasama ng senior citizen sa pagpapabakuna ay babakunahan din.


Pero paglilinaw ni Cabotaje, ang household member ay ang dapat na nag-aalaga sa senior citizen.

Maaari rin itong ikonsidera para sa mga caretaker ng mga nasa A3 Priority Group o mga taong may comorbidity.

Facebook Comments