Wednesday, March 11, 2026

Housekeeper na humaharap sa kasong robbery, naaresto sa Las Piñas

Nakaditine na ang Top 6 Most Wanted Person station ng Las Piñas City Police Station na humaharap sa kasong robbery.

Kinilala ang suspek na si alyas “Daco,” 30 year- old na residente nf Tramo St., Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.

Naaresto ang suspek dahil sa bisa ng warrant of arrest na inilabas Judge Harold Cesar C. Huliganga ng Regional Trial Court (RTC) Branch 254, Las Piñas City.

Mayroon namang inirekomendang piyansa na P72,000 ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Mayroon ding existing Warrant of Arrest ang suspek para sa kasong Attempted Homicide na inilabas ni Judge Lynnette May D. Deloria Manarang ng Metropolitan Trial Court Branch 124, Las Piñas City at mayroong recommended bail na P36,000.

Pagkaaresto sa suspek ay agad itong dinala sa Las Piñas City Police Station Custodial Facility sa Barangay Pamplona III para pansamantalang ikulong.

Facebook Comments