Nakatakdang tumanggap ng tulong pinansyal ang mga residente sa La Union na nasiraan ng bahay dulot ng nagdaang bagyong Emong.
Sa ilalim ng Integrated Disaster Assistance Program (ID SAP) ng Department of Human Settlements and Urban Development, nasa P30, 000 ang maaaring ibigay para sa totally damaged house, habang P10, 000 sa partially damaged, base sa Memorandum Circular 2024-002.
Ayon sa Division Chief of the Public Housing and Settlements Division, first come first serve ang magiging sistema ng programa.
Kailangan din umano ang ilang mga dokumento para sa balidasyon at tutunguhin ang mga nasirang kabahayan para sa ebalwasyon.
Samantala, ayon sa datos ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union, ang mga lokal na pamahalaan ng Sudipen, San Juan, Bacnotan, Bauang, Santol, Agoo, Rosario at Bangar ay nakapagpasa na ng master list ng mga benepisyaryo.
Matatandaang isa ang La Union sa higit naapektuhan ng nagdaang bagyo sa Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









