Housing beneficiaries ng NHA, makabibnili ng ng bigas sa halagang ₱33/kg

Makabibili na ng abot-kayang presyo ng bigas ang mga benepisyaryo ng National Housing Authority (NHA) sa halagang ₱33/kg na higit na mas mababa kumpara sa kasalukuyang retail price sa mga palengke.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, nakipag-partner na ang NHA sa Department of Agriculture-Food Terminal Incorporated (DA-FTI) upang makapagpaabot ng mas murang bigas sa mga housing beneficiarie.

Paliwanag pa ni Tai na target ng National Housing Authority na maghahatid ng mas abot-kaya at mas murang presyo ng bigas para sa mga benepisyaro ng programang pabahay para sa mga mahihirap na Pilipino.

Aniya ang programang ito ay isasagawa sa mga piling NHA Resettlement site sa nalalapit na ika-50 anibersaryo ng NHA.

Matatandaan na nauna nang lumagda sa kasunduan ang NHA at ang DA na nagbibigay prayoridad para sa tuloy-tuloy na supply ng mga produktong agrikultural sa mga NHA Resettlement site upang maibsan naman ang kanilang nararanasang kahirapan.

Facebook Comments