Manila, Philippines – Pinalawig ng Government Service Insurance System o GSIS hanggang December 31, 2019 ang condonation program para sa mga kasapi nito na may housing loan.
Ayon kay GSIS President and General Manager Jesus Clint Aranas, ito ay para maibsan ang pasanin ng mga kumuha ng housing loan sa GSIS.
dahil dito ay mapipigilan ang pagpapataw ng penalty sa halagang hindi pa nababayaran ng mga borrowers.
Samantala, sa briefing na isinagawa ng mga opiysal ng GSIS sa pangunanguna ni PGM Aranas ay inihayag ang planong paglalabas ng resolusyon ng board para sa 1-libong pisong across the board increase sa ipinagkakaloob nitong pensyon sa nga retiradong government employees.
Nagpahayag naman ng pagkabahala si Aranas sa panukalang ibaba sa 56 edad ng pagreretiro na posibleng maging dahilan para hindi na umabot ng higit sa 15-taon ang fund life nito.
Ipinaalala naman ng GSIS ang ipinagkaloob nitong cash benefits sa mga aktibong miyembro nito na may kabuuang halaga na 190-million pesos at ito ay credited na sa kanilang mga unified multipurpose identification card simula pa noong Disyembre.
Bukod dito ay maari namang makakuha ng calamity loan sa GSIS ang mga biktima ng kalamidad sa Sta. Cruz, Marinduque at deadline ng application ay ngayong darating na February 9.