Housing loan sa mga kumikita ng minimum wage o pababa, ibinaba ng tatlong porsyento ang interes

Manila, Philippines – Ibinaba ng Pag-Ibig Fund sa tatlong porsyento ang interes sa mga pabahay para sa mga kumikita ng minimum wage o pababa.

Pasok sa program ang kumikita ng P15,000 kada buwan sa metro manila at P12,000 sa probinsya.

Paliwanag ni Pag-Ibig Fund, Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti – hirap kasing manghiram sa bangko ang mga mababa ang sweldo.


Pero batay sa record – mataas talaga ang koleksyon sa low cost housing.

Ibig sabihin – nagbabayad talaga ang mga nangungutang sa pabahay.

DZXL558

Facebook Comments