Housing project ng gobyerno, malaki ang maitutulong para mapaluwag ang urban areas sa bansa gaya ng Metro Manila – NAPC

Malaking tulong sa National Anti-Poverty Commission o NAPC ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng Marcos administration.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NAPC Lead Convenor Secretary Lope Santos lll na isa ang urban decongestion sa kanilang itinataguyod na adbokasiya at magandang pagkakataon ang proyektong pabahay ng administrasyon para maabot ang decongestion effort.

Sakop din aniya nito ang layuning Magna Carta for the Poor na mabigyan ng disenteng pabahay ang mga mahihirap na siya namang tinututukan din ng kanilang ahensiya.


Kaugnay nito’y sinabi ng opisyal na nagpapatuloy ang pakikipag-usap at dayalogo ng kanilang tanggapan sa iba’t ibang stakeholders upang magkaroon ng bahay ang mga nangangailangang mahihirap.

Sa pamamagitan aniya ng pagtatayo ng tina-target na anim na milyong housing units sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay hindi lamang matutugunan ang housing gaps kundi matutumbok na rin nito ang sinisikap na mapaluwag ang nagsisiksikan ng urban areas gaya ng National Capital Region o NCR.

Facebook Comments