Housing Project para sa mga magsasaka, pipiliting matapos bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte

Sisikapin ng Department of Agrarian Reform (DAR) na may matatapos na pabahay project para sa agrarian reform beneficiaries bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon.

Ito’y para sa halos 20% ng tatlong milyong agrarian reform beneficiaries sa bansa.

Ayon kay Agrarian Reform Undersecretary Emily Padilla, ang proyektong pabahay ay itatayo o itinatayo sa Umingan, Pangasinan,Bayombong, Nueva Vizcaya, Gabaldon o San Jose City sa Nueva Ecija, Basey sa Samar, Argao, Cebu, Daet sa Camarines Norte at Calinan sa Davao.


Ang BALAI Farmers at Farmworkers’ Housing Program ay mga duplex-type unit na may may sukat na 36 metro kuwadrado.

Aniya, ang amortisasyon ng mga bahay ay babayaran ng mga benepisyaryo sa halagang Php1,475 kada buwan sa loob ng 30 taon.

Ang proyekto ay inisyatiba ng DAR at ng Department of Human Settlement and Urban Development.

Facebook Comments