Housing target ng DHSUD, bumagal dahil sa pandemya

Bumagal ng 70 percent ang nakamit ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa housing targets nito noong 2020 dahil sa epekto ng pandemya.

Ayon kay DHSUD Secretary Eduardo del Rosario, mula 2017 hanggang 2019, nakamit na ng ahensya ang 97 percent ng target sa paggastos at pagpapatayo ng mga housing units.

Gayunman, napabagal ito sa 70 percent nang dumating ang pandemya.


Sa kaniyang mensahe sa 2nd anniverasry ng DSHUD, nangako ang kalihim na magiging pro-active at dodoblehin ang trabaho upang mapanatili ang mga napagtagumpayang programa.

Sa ngayon aniya ay sinusuri na nila ang mga polisiya upang maiangkop ito sa hamon ng panahon.

Tinitiyak ni Del Rosario na makaasa ang housing at real estate sectors na pagbubutihin nila ang finance at design aspect sa harap ng nararanasang pandemya.

Facebook Comments