Manila, Philippines – Apat na taon na ang nakalipas matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Yolanda , nasa 40% pa lamang ang nakukumpletong housing units para sa benepisaryo ng proyekto.
Ayon kay Engineer Grace Guevara, head ng Visayas office ng National Housing Units, As of October 30, Mula sa 205,000 na mga dapat na mabigyan ng housing units, 78 ,000 pa lamang ang nakumpletong pabahay.
2014 pa nagsimula ang Yolanda permanent housing program na ginastusan ng 59 billion pesos.
26,256 pa lamang ang natitirhan sa mga housing projects na natapos sa Aklan, Capiz, Iloilo, Cebu. Tacloban sa Leyte at sa Guian, Eastern Samar
Ayon kay Engineer Romuel Alimboyao, ang dahilan ng mabagal na pagtapos sa permanent housing program ay ang matagal na validation o pagproseso ng mga LGU ng master list ng mga housing beneficiaries.
Nasa 54,180 pa ang naiiwang housing units na may 28,000 na nag aantay na occupants.
2nd quarter pa ng 2019, ang target na makumpleto ang lahat ng pabahay.