NBA – Umiskor ng 48 points si James Harden para pangunahan ang Houston Rockets sa paggulpi sa Phoenix Suns, 142-116 sa NBA.
Walang naisagot ang Phoenix sa opensa ng Rockets na umiskor ng tig-45 points sa first at second quarter ng laro.
Ang 142 points ng Houston ay season high ngayon sa NBA.
Nag-ambag naman ang nagbabalik na si Chris Paul ng 11 points at 10 assists para sa Houston na umangat sa 12-4 win loss card.
Bumagsak naman sa kartadang 5-11 ang Phoenix.
Facebook Comments