Houston Rockets, tinambakan ang San Antonio Spurs sa NBA preseason game

Tinambakan ng Houston Rockets ang San Antonio Spurs sa NBA preseason game sa score na 128-106.

Nagpakawala ng 27 points si Christian Wood para pangunahan ang Houston na sinegundahan naman ni Eric Gordon na may 23 points at James Harden na may 20 points.

Nakagawa naman si DeMar DeRozan ng 21 puntos para sa Spurs, na wala pang naitatalang panalo matapos ang tatlong laro.


Hawak ngayon ng Rockets ang record na 3-1 wins loss steak.

Facebook Comments