Houston Rockets Victor Oladipo, ite-trade na sa Miami Heat

Kinumpirma ng koponang Houston Rockets ang pag-trade kay Victor Oladipo papunta sa Miami Heat.

Ayon sa ulat, nakuha ng Rockets bilang kapalit sina Avery Bradley at Kelly Olynyk.

Si Oladipo ay naglaro ng 20 laban sa Rockets bago mapunta sa Miami.


May average points ito na 21.2 puntos bawat laro, 5.0 assists at 4.8 rebounds.

Matatandaang una nang naharap si Oladipo sa injury noong season 2018-2019 na naging dahilan nang hindi pagsama nito sa laban.

Facebook Comments