Houston Rockets, wagi kontra New York Knicks

NBA – Hindi pinagbigyan ng Houston Rockets ang New York Knicks na manalo sa homecourt nito sa nagpapatuloy na NBA preseason.

Hindi kasi nagpaawat si 5 times all-star James Harden na nagtala ng 36 points, 9 rebounds at 11 assists at gumawa pa ng 20 three pointers ang rockets para tuluyan pang ibaon ang Knicks.

Nanatiling undefeated naman ang koponan ng Houston na dadayo sa Memphis para labanan ang Grizzlies sa October 12.


Facebook Comments