HOV POLIC DRY RUN | Higit 2,000 motorista, nasita ng MMDA

Manila, Philippines – Nasa 2,953 na mga motorista na ang nasita ng Metro Manila Development Authority sa unang araw ng dryrun ng High Occupancy Vehicle (HOV) Policy sa EDSA.

Ayon kay MMDA Gen Manager Jojo Garcia, bagamat masyado pang maaga upang matukoy ang epekto ng HOV sa trapiko sa EDSA, masaya aniya sila dahil maraming mga motorista ang sumunod sa HOV Policy ngayong araw.

Aniya, isang linggo ang gagawin nilang dry run bago ang mismong apprehension sa August 23, kung saan nasa 1 libong piso ang multa ng mga motoristang lalabag dito.


Isa aniya sa mga naging balakit sa panghuhuli nila kanina ay ang mga heavily tinted vehicles, kung saan nasa 156 na sasakyan ang hindi nila nasilip kung sumunod ba sa HOV.

Dahil dito, ayon sa LTO, ina-update na nila ang probisyon sa batas na nagbabawal sa heavily tinted na mga sasakyan. At sa oras aniya na maipatupad ito sa Setyembre ay panibagong paglabag ito para sa mga motoristang hindi titigil sa paggamit ng madilim na windshield.

Facebook Comments