Manila, Philippines – Ipagpapaliban muna ng MMDA ang full implementation ang High-Occupancy Vehicle (HOV) scheme sa EDSA sa august 23.
Pero sa press briefing kanina, nilinaw ni MMDA GM Jojo Garcia na tuloy pa rin ang dry run hanggang August 22.
Ito ay hangga’t hindi nagko-convene ang Metro Manila Mayors hinggil sa naturang traffic scheme.
Aniya, dahil isang Metro Manila Council (MMC) resolution ang HOV policy, tanging mga Metro Manila Mayors lang ang makakapagpabago o makakapagpahinto rito.
Kasabay nito, pinasalamatan din ng mmda ang Malacañang dahil sa suporta nito sa polisiya sa kabila ng pagtutol dito ng ilang mambabatas.
Facebook Comments